Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makatutulong sa mabilis na sirkulasyon ng pera sa merkado ang popularidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay BSP Deputy Director Grace Malic, ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang sa bagong peso bill na may lagda ng Pangulo.
Ipinabatid ng BSP na sa ngayon ay sumasailalim pa sa approval at release procedure ang mga bagong perang papel at inaasahang mailalabas bago matapos ang taong 2016.
Nilinaw naman ng BSP na hindi pa rin aalisin sa sirkulasyon ang mga pera na may pirma ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
By Ralph Obina