Tumungtong na sa 109, 035, 343 ang populasyon ng Pilipinas noong 2020 na katumbas ng 1.63% growth rate sa nakalipas na 5 taon.
Batay sa census ng Philippine Statistics Authority, sa nakalipas na 5 taon ay aabot sa 8 milyon ang nadagdag sa 100, 981, 437 na naitalang bilang ng mga Filipino noong 2015.
Sa 17 rehiyon, ang CALABARZON ang may pinakamalaking nadagdag sa populasyon simula 2015 na aabot sa mahigit 1.7 million at kabuuang 16.1 million na mamamayan.
Sumunod naman ang Metro Manila na may 13.4 million o karagdagang 607, 209 at pangatlo ang Central Luzon na may kabuuang 12.4 million.
Nangunguna ang Cavite sa lahat ng lalawigan, na may pinaka-malaking populasyon na 4.3 million habang nananatiling pinaka-mataong lungsod ang Quezon city na may 2.9 million; Manila, 1.8 million at Caloocan, 1.6 million.
Pinaka-maliit naman ang populasyon ng Cordillera Administrative Region na may 1.7 million; CARAGA, 2.8 million at MIMAROPA, 3.2 million. —sa panulat ni Drew Nacino