Inaasahang lolobo sa halos sampung (10) bilyon ang populasyon ng mundo sa 2050.
Ayon sa United Nations report, walumpu’t tatlong (83) milyong tao ang nadadagdag sa populasyon ng mundo kada taon dahil sa inaasahang pagdami pa ng tao kahit pa unti unti na umanong bumababa ang fertility levels.
Sa pagtaya ng United Nations nasa 8.6 billion ang populasyon sa mundo sa 2030, 9.8 billion sa 2050 at 11. 2 billion sa taong 2100.
Nakasaad din sa report na posibleng manguna na ang India sa may pinakamalaking populasyon sa buong mundo sa 2024 kung kailan nasa 1.3 billion na ang inhabitants nito samantalang ang China ay nasa 1.4 billion pa lamang.
Lumalabas din sa report na mabilis din ang paglago ng populasyon ng Nigeria at ang populasyon sa dalawampu’t anim (26) na African countries ay inaasahang dodoble sa taong 2050.
Ang bilang ng mga taong may edad animnapu (60) o higit pa ay inaaasahang higit na dodoble sa taong 2050 at higit pa sa triple sa taong 2100.
By Judith Larino
Populasyon ng mundo inaasahang lolobo sa 10B sa 2050 was last modified: June 22nd, 2017 by DWIZ 882