Inanunsiyo ng na inaasahang aabot sa walong bilyon ang global population pagsapit ng kalagitnaan ng Nobyembre ngayong taon.
Ayon kay United Nation (UN) Secretary-General António Gutierez, sa kanilang pagtataya ay posibleng lumago hanggang 8.5 bilyon sa 2030 at 9.7 bilyon sa 2050 ang populasyon ng mundo.
Inaasahan naman na mahigit kalahati ng nasabing pagdami ng global population sa 2050 ay mula sa walong bansa.
Kabilang din dito ang Democratic Republic of the Congo, Egypt, Ethiopia, India, Nigeria, Pakistan, Pilipinas at United Republic of Tanzania.