Inaasahang aabot na sa 9.8 bilyon ang populasyon ng tao sa taong 2050 batay sa prediksyon ng United Nations Population Fund o UNFPA.
Ayon sa UNFPA, magiging malaki ang kontribusyon ng halos buong African continent sa global population growth dahil inaasahang aabot sa 1.3 bilyon ang mga mamamayan sa nasabing lugar.
Sakaling tumugma ang prediksyon, nangangahulugan ito na mas magiging mahirap para sa mga nakababatang mamamayan ng mga bansa sa Africa na makapag-aral, magpagamot at makahanap ng trabaho.
Posible ring maging mahigpit ang supply at mataas ang demand sa pagkain dahil sa lumolobong populasyon.