Posibleng lumampas na sa mahigit isandaan at limang (105) milyon ang papulasyon ng bansa sa pagtatapos ng taong ito.
Ayon kay Deputy Executive Director Lolito Tacardon ng Population Commission, tinatayang dalawang milyong Pilipino ang isinisilang kada taon o dalawamput apat (24) na sanggol sa kada oras.
Pinuna ni Tacardon na ang mga babaeng galing sa mahirap na pamilya ay nanganganak ng hanggang lima samantalang hanggang dalawa lamang ang karaniwang anak ng mga babaeng may mas mataas na antas ng pamumuhay.
Batay sa datos ng PSA o Philippine Statistics Authority noong 2016, lumalabas na isa sa kada sampung babae na may kakayahan nang manganak ay menor de edad.
Lumalabas rin sa mga datos na ika labing tatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamalaking papulasyon at pumapangalawa sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
Batay sa mga pagtaya, posibleng pumalo sa mahigit isandaan at dalawamput limang (125) milyon ang papulasyon ng bansa pagsapit ng 2030.
- Len Aguirre