Lumobo na sa 100.98 million ang populasyon sa buong bansa.
Base ito sa pinakahuling census na isinagawa ng Philippine Statistics Authority o PSA [as of august 1, 2015].
Ito’y nangangahulugan na nadagdagan ng 8.64 million ang kabuuang populasyon ng bansa sa loob ng limang taon.
Matatandaang umabot lamang sa 92.34 million ang mga Filipino nang magsagawa ng katulad na census ang PSA noong 2010.
Noong taong 2000 naman ay 76.51 million lamang ang populasyon ng bansa.
Ayon sa PSA, kung susuriin ay umakyat ng 1.72 percent kada taon ang populasyon mula 2010 hanggang 2015.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: World Population Day 2015