Umabot na sa 101.8 Milyon ang bilang ng populasyon sa buong bansa sa taong ito ayon sa pinakabagong tala ng National Census.
Mas mataas ng sampung porsyento ang bilang na iyan kumpara sa 92.3 milyong populasyon na naitala noong 2010.
Simula noong August 10 hanggang Septemebr 6, nagbahay bahay ang mga miyembro ng Philippine Statistics Authority para magsagawa ng population census.
Ang resulta ng census ay gagawing basehan ng pamalahaan sa pagbibigay ng alokasyo ng budget sa bawat Local Government Units at sa mga planong pang ekonomiya ng bansa.
Ayon naman kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, mapakikinabangan ang resulta ng census sa pagbibigay ng gobyernong ng sapat na serbisyo para sa mga Filipino tulad ng pang edukayson, kalusugan at pabahay.
By: Jonathan Andal