Tinatayang aabot sa 110.8-M ang populasyon ng Pilipinas sa susunod na taon.
Ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM), mahigit isang milyong pagtaas ito mula sa naitalang 109.4 million na populasyon ng bansa sa pagsisimula ng 2020.
Dagdag ng POPCOM, posibleng maitala naman sa 1.31% ang population growth rate ng Pilipinas sa 2021.
Mas mabagal sa 1.68% growth rate na naitala noong 2016.
Sa kabila naman nito, sinabi ng POPCOM na posibleng lumubo pa rin sa 111.1 million ang populasyon ng Pilipinas bunsod ng pagdami ng mga unplanned pregnancies o hindi planadong pagbubuntis sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, lalagpas naman ng 10 milyon ang bilang ng mga senior citizens sa bansa sa susunod na taon.