Pinalawig pa ng anim na buwan ang pinaiiral na Pork Ban sa lalawigan ng Cebu.
Ayon kay Governor Gwendolyn Garcia, hindi na muna papayagang makapasok sa kanilang probinsya ang mga produktong karne galing sa Isla ng Panay at Guimaras matapos makapagtala ng mga kaso roon.
Mababatid na natapos na ang naunang Pork Ban sa Cebu noong Dis. 12, at nauna namang na-i-ulat ng Department of Agriculture (DA) ang unang kaso ng ASF sa Guimaras noong nakaraang linggo, Dis. 16.
Samantala, magkakabisa naman ang anim na buwang Pork Ban mula Enero 1 hanggang Hunyo 30 ng susunod na taon. —sa panulat ni Hannah Oledan