Itinanggi ni Incoming House Speaker Pantaleon Alvarez na babalik na ang Pork Barrel Funds sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Alvarez, malinaw naman ang naging desisyon ng Korte Suprema na hindi na aayon sa Konstitusyon ang Pork Barrel Funds.
Maliban dito, hindi na anya kasama sa ipinasang 2016 National Budget ang PDAF o Priority Development Acceleration Fund na karaniwang lump sum kapag inilagay sa budget.
Una rito, sinasabing may mga natatanggap nang proposal ang House Committee on Appropriations para sa 80 Milyong Pisong halaga ng soft at hard projects mula sa mga baguhang Kongresista
By: Len Aguirre