Nananatili ang pork barrel funds sa budget ng pamahalaan sa kabila ng deklarasyon ng Korte Suprema na illegal ang nasabing pondo.
Ayon kay dating Bayan Muna party-list representative Neri Colmenares, hindi naman talaga nawala ang pork barrel fund dahil binago lamang ang anyo nito.
Binigyang diin ni Colmenares na maituturing na pork barrel ang lahat ng lump sum item sa budget dahil ang proyektong pag-gagamitan nito ay kailangang magmula sa mambabatas na nagsulong nito.
Lumulusot kasi ang nangyayari may lump sum tapos may discretion pa rin although wala ng word na PDAF sa budget, andiyan pa rin yung mga pondo hindi nga lang tinatawag na PDAF, nilalagay lang siya sa mga departamento; DPWH, mga DOH, tapos may arrangement lang diyan na ang discretion sa pagnonominate kung sino, saan at anong proyekto ay mga, kung senador o Presidente,” ani Colmenares.
Balitang Todong Lakas Interview