Hiniling ni Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto na ang sinasabing “pork” na nakapaloob umano sa 3.757 trillion peso proposed 2019 national budget.
Ayon kay Lacson, ang pag-veto sa pork barrel ang magiging patunay na malakas ang political will ni Pangulong Duterte.
Kung ipinakita aniya ng Pangulo ang malakas na political will nito sa mga kontrobersyal na issue sa nakalipas na taon ay maaari rin niya itong gawin sa pambansang pondo na siningitan ng mga kongresista ng pork barrel.
Gayunman, inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea bilang tugon kay Lacson na huwag pangunahan ang Punong Ehekutibo anuman ang magiging hakbang nito.
—-