Binaligtad ng pork barrel scam whistle-blower na si Marina Sula ang kanyang testimonya laban sa nakapiit na si dating Senador Ramon Bong Revilla Jr.
Sa kanyang pagharap sa hearing ng Sandiganbayan 1st Division, inihayag ni Sula na tinuruan siya ng prosekusyon na magtugma ang kanyang salaysay sa testimonya ng kapwa whistleblower na si Benhur Luy.
Aminado si Sula na hindi naman niya nakitang may pinirmahan si Revilla na mga endorsement letter para sa mga PDAF-funded foundations bagkus ay pineke ni Luy ang pirma ng dating senador.
Itinanggi rin ni Sula na nakipagkita siya kay Revilla noong empleyado pa siya ng JLN Corporation ng umano’y PDAF scam queen na si Janet Lim Napoles.
—-