Nagbabala ng pork holiday ang mga magbababoy bilang protesta sa umano’y lumalalang smuggling ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa.
Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), ititigil umano nila ang pagbebenta ng karne ng baboy sa mga palengke sa loob ng ilang araw.
Lumalabas na kawawa ang mga magbababoy dahil sa bagsak na presyo ng kanilang produkto dulot ng mababang presyo ng mga imported agricultural products.
Inihayag ng SINAG na talamak ang smuggling sa karne ng baboy at manok, bigas, bawang at asukal.
Maliban umano sa mga magbababoy ay nahihirapan na ring bumawi sa kanilang gastos ang mga magsasaka at mga may-ari ng poultry farm.
By Mariboy Ysibido