Inaasahang aakyat sa 400,000 metric tons ang pork imports sa Pilipinas ngayong taon.
Ito, ayon sa United States Department of Agriculture-Foreign Agricultural Service, ay makaraang tapyasan ang taripa sa imported na karneng baboy.
Ayon sa USDA, ang bagong forecast ay mataas kumpara sa initial projection na 375,000 metric tons ng pork imports ngayong taon.
Ang pagdami ng imported na karne ay bunsod ng inilabas na Executive Order 171, na nagpapataw ng mas mababang taripa sa pork imports hanggang katapusan ng taon.
Mayo 21 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang kautusan na layuning ibaba ang presyo at pananatilihing matatag ang supply ng karne sa bansa.