Tiwala ang grupo ni Congressman Nicanor Briones na tototohanin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawi sa pinayagang pagbaba ng taripa sa pork imports at pagtaas ng maximum access volume (MAV) para rito.
Iginiit sa DWIZ ni Briones, vice president for Luzon ng Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork), na magkakaroon ng krisis sa supply ng karneng baboy kapag nalugi ang mga local hog raisers.
Ayon pa kay Briones, maraming backyard raisers ang titigil na pag-aalaga ng baboy dahil hindi lamang sila dinapa ng African Swine Fever (ASF) kundi maging ang naturang executive order ng Pangulong Duterte.
‘Yan ang papatay sa amin. Tinamaan na ng African Swine Fever, talagang bagsak ang aming industriya, tatamaan pa ng EO 128 na ito, t’yaka yung pagtaas ng MAV, ay talagang maraming hindi na mag-aalaga na mga backyard raisers; ‘yung 65% na backyard raisers, pati itong mga commercial, at walang magrerepopulate dahil dini-discouraged nitong mga aksyon ng government. Itong EO 128 na ito ay lumalabas na kami ay walang pag-asa kaya titigil ang marami,” ani Briones —sa panayam ng Balitang Todong Lakas