Pina re-recall na ng Mekeni Food Corp ang kanilang mga pork products ngayong Sabado, Oktubre 26.
Bunsod pa rin ito ng mga ulat na apektado ng African Swine Flu (ASF) ang mga produkto ng Mekeni.
Ayon sa kumpanya, nagbigay na sila ng mga samples ng kanilang produkto sa Bureau of Animal Industy (BAI) para ipasuri nga kung infected ang mga ito ng ASF.
Anila, habang hinihintay nila ang resulta ng ginagawang test, minabuti na nilang bawiin muna ang lahat ng kanilang produkto sa merkado.
Humingi naman ng patawad ng Mekeni sa mga customers nito dahil sa hindi magandang balita.
Tiniyak din nito na magiging ‘transparent’ sa publiko oras na lumabas na ang resulta ng test.
Una nang sinabi ng kumpanya na maging sila ay nabigla sa mga ulat dahil alam nila na pasado ang kanilang produkto sa International Organization for Standardization.