Nakatakdang magpulong sa ikalawang linggo ng Hunyo sina Interior Secretary Eduardo Año at susunod na magiging kalihim ng ahensya na si dating MMDA Chairman Benhur Abalos.
Layunin ng formal meetings ang maayos na transition sa susunod na administrasyon.
Ayon kay Año, masusundan pa ito ng informal meetings upang maipakilala niya kay Abalos ang mga key person ng local government sector at maging ng interior sector.
Sinabi pa ng kalihim na nakahanda na ang dilg para sa transition bago pa man idaos ang 2022 elections.