Sinimulan ang expo kaninang alas-diyes ng umaga kung saan, pinangunahan ni Founding Chairman Joseph Ang. Ang ribbon cutting na sinuportahan nina Senator Imee Marcos; Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano; Usec. Joee Guilas ng Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs; mga Manufacturer at iba pang stakeholders.
Nag-alay din ng production number at VIP tour sa exhibit halls ang MAFBEX para sa mga nakiisa at dumalo sa naturang event.
Ang biggest gathering event ng mafbex ay binubuo ng 600 booths at 350 exhibitors sa pakikipag-ugnayan ng mga ahensya ng gobyerno kabilang na ang Department of Agriculture; Department of Trade and Industry; Bureau of Fisheries and Aquatic Resources; DOST; at iba pang mga local manufacturer mula sa ibat-ibang rehiyon.
Makikita ang iba’t ibang plant based food o produktong gawa at nagmula sa mga local farmers na nakapokus sa kalusugan at mas ligtas na pagkain.
Sa naging pahayag ni Sen. Marcos, ang adbokasiya ng MAFBEX na maghatid ng magandang produksiyon ng pagkain ang isa sa solusyon sa food crisis at inflation ng bansa.
Pinasalamatan din ng senadora ang MAFBEX sa paghahatid ng mas maraming lokal na produksiyon mula sa mga lalawigan patungo ss Metro Manila na makakapaghikayat sa mga investor na tangkilikin ang mga local products upang mas lalo tumaas ang ekonomiya ng bansa.