Ikinadismaya ni Ronnie Liang ang natanggap nitong offer para gumawa ng isang pornographic movie.
Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ng singer-actor ang kanyang saloobin hinggil sa usapin.
Ayon kay Ronnie, hindi siya nag-aral at kumuha ng masteral degree para lamang ibalandra ang pribadong bahagi ng kanyang katawan sa publiko.
Importante pa rin aniya sa kanya ang respeto sa sarili at wala ring problema sa kanya ang kawalan ng project sa ngayon.
Pagbibiro naman ni Ronnie, hanggang topless lang ang kaya nitong gawin.
Si Ronnie ay isa ring Army Reservist Officer, Piloto at Brand Ambassador ng ilang kumpanya at ahensya ng gobyerno. - sa panulat ni Hannah Oledan