15% ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ang naitala sa National Capital Region (NCR), kahapon.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, 1,271 ang mga kaso ng nasabing virus sa Metro Manila kung saan ito ay pasok sa pagtataya ng naturang grupo noong Enero 20.
Kaugnay nito, nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 ang Quezon City na may 222 habang ang pateros ang may pinakamababang new COVID-19 cases na walo. —sa panulat ni Airiam Sancho