Plano ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na bumili ng mas marami pang mga bakuna kontra COVID 19 na kayang lumaban sa bagong variant nito.
Ito’y ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano ay upang mas mapalakas pa ang kanilang laban sa nakahahawa at nakamamatay na virus at upang makabalik na sa normal ang pamumuhay ng kaniyang mga kababayan.
Dahil dito, sinabi ni Cayetano na inihahanda na ng Pamahalaang Lungsod ang kanilang portfolio ng mga bakuna na siyang i- aalok naman nila sa mga Taguigueño.
Kasalukuyan nang nakaselyo ang kontrata ng Taguig sa mga kumpaniyang Novavax at Bharat Biotech ng India gayundin ang AstraZeneca ng United Kingdom.
While we continue to build our portfolio of vaccines and wait for the supplies to arrive, we believe that the best vaccine to administer to our citizens is the vaccine that is available now,” wika ni Mayor Cayetano.
Mula ika-15 ng Marso, aabot na sa 1,694 na medical frontliner ng lungsod ang nabakunahan na sa kanilang vaccination hub sa Lakeshore Mega quarantine Complex sa Brgy. Lower Bicutan.