Dinaig ng Portland Blazers ang koponan ng Oklahoma City Thunder sa kanilang pagtutuos kaninang umaga sa iskor na 115-110.
Nanguna sa panalo ng Blazers si Damian Lillard na kumopo ng 31 puntos kabilang ang tatlong three points sa nalalabing tatlong segundo ng laro.
Sinegundahan naman ito ni CJ Mccollum na nakapag-ambag ng 32 puntos.
Samantala, di naman sumapat ang 28 puntos na tinrabaho ni Kevin Durant para iangat ang koponan ng Thunder.
By Ralph Obina