Nilampaso ng Portland trail blazers ang top team na Brooklyn nets sa Eastern sa iskor na 128-109.
Ito’y matapos samantalahin ng blazers ang hindi paglalaro nina kevin durant at james harden sa basketball court.
Nagtala ng 32 puntos , 9 asissts at 7 rebounds si Damian Lillard para sa kanilang ika-35 na panalo.
Sa second half ay tumipon pa ng 22 points si Lillard kung saan ginamit ang third quarter para maipanalo ng blazers laban sa nets.
Kahit si kyrie irving na may 28 points ay hindi na kinaya pang dalhin ang Brooklyn.
Sa ngayon pilit na kumakapit sa no.7 slot ang Blazers sa Western Conference Playoff.— sa panulat ni Rashid Locsin