Labis ang pasasalamat ng Portugal sa Germany sa pagpapaabot nito ng tulong sa kanilang bansa bilang pagtugon sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay matapos magpadala ng 26 doktor, nurses at ilang medical equipments gaya ng 40 mobile, 10 stationary ventilators at 150 hospital beds ang Germany sa Portugal para sa pagsugpo ng bansa sa patuloy na tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Portugal’s Ambassador Francisco Pimentel de Mello Ribeiro de Menezes, habang buhay nitong pasasalamatan ang tulong ng Germany sa kanilang bansa.
Tinatayang 13,017 na ang pumanaw dulot ng COVID-19 sa Portugal at pumalo na sa 731,861 ang kabuuang kaso sa naturang bansa.—sa panulat ni Agustina Nolasco