Isasailalim na rin ang bansang Portugal sa red list ng Pilipinas simula sa a dose ng Disyembre.
Ito’y base sa Inter-Agency Task Force Resolution 153 kung saan papayagan ang mga byaherong nagmula sa Portugal na makapasok sa Pilipinas.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, kailangan lamang magpresenta ng negatibong RT-PCR test ang mga manlalakbay na kinuha nila sa loob ng 72 oras bago ang kanilang pagdating sa bansa.
Aniya, kung magnenegatibo sa RT-PCR , kailangan naman nilang kumpletuhin ang 14 day quarantine sa kanilang bahay.