Pinag-aaralan ng labor unions ang posibilidad na pag-rekomenda sa dagdag sahod ng mga manggagawa sa iba’t-ibang rehiyon.
Ayon kay Alan Tanjusay, spokesman ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), hindi pa sapat ang dagdag suweldo na ipiantupad ng ilang regional wage boards para tugunan ang tumataas na presyo ng mga produkto at serbisyo.
Sinabi ni Tanjusay na pinag aaralan nila kung kailangan pang mag-file ng follow up petition lalo nat hindi naman sapat o barya lamang ang binibigay na umento sa sahod.
Batay sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), tanging National Capital Region (NCR), Cagayan Region at MIMAROPA na lang ang wala pang wage increase mula pa nuong isang taon.