Pinag aaralan ng LTFRB ang posibilidad ng generic franchise para sa 65,000 drivers ng Transport Network Vehicles.
Sinabi ni LTFRB Board Member Atty Aileen Lizada na u ubra nang ma accredit sa higit na isa pang Transport Network Company ang mga generic na prangkisa.
Sa ilalim ng dating polisiya kinakailangan munang magpa accredit ng drivers ng TNC’S bago mag apply ng permit sa LTFRB.
Dahil dito nilimitahan na ng LTFRB ang bilang ng TNVS drivers para maiwasan ang pagdami ng mga sasakyan sa kalsada.
Ayon pa kay Lizada hindi papayagang mag operate ang drivers na blacklisted sa isang TNC.