Pinag-aaralan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang posibilidad na ibaba ang alert level sa Mayon Volcano sa Albay.
Paliwanag ni Ed Laguerta, PHIVOLCS resident volcanologist sa Bicol, bumababa ang naitalang aktibidad ng bulkan nitong mga nakalipas na araw.
Gayunman sinabi ni Laguerta na batay sa kanilang seismic instrument, may mga abnormalidad pa rin sa aktibidad ng bulkan at may mga pagsirit pa rin ng lava sa bibig ng Mayon.
Magugunitang itinaas ang alert level 4 sa bulkan noong Enero 22 matapos ang napakalakas na pag-aalburuto nito simula nang mapansin ang abnormalidad noon namang Enero 13.
Posted by: Robert Eugenio