Hindi isinasantabi ng U.S. officials na ang ISIS ang nasa likod ng pagbagsak ng Russian plane sa Egypt.
Ayon kay Director James clapper ng U.S. National Intelligence Agency, bagamat duda sila sa kakayahan ng isis na magpabagsak ng eroplano, hindi nila puwedeng ibalewala ang tweet ng terror group na umaako ng responsibilidad sa pagbagsak ng metrojet flight.
Sinabi ni Clapper na mayroong agresibong grupo ng ISIS sa Sinai subalit wala pa silang hawak na ebidensya na magsasabing biktima ng terorismo ang eroplano.
Posible anyang magkaroon ng linaw ang lahat sa sandaling mapasakamay nila ang black boxes ng eroplano.
Matatandaan na dalawang minuto makaraang mag-take off sa Sharm El-Sheikh Airport ay nawala agad sa radar screens ang Russian Airbus A-321.
Bumagsak ang Russian plane sa Sinai Peninsula at napatay ang may 224 kataong sakay nito.
By Len Aguirre