Binigyang – diin ng Malakanyang na maliit na porsyento lamang ang posibilidad na magdeklara ng revolutionary government si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang pahayag kasunod ng panawagan sa social media ng ilang taga – suporta ni Pangulong Duterte na ipatupad na ang revolutionary government.
Ayon kay Roque, hindi niya nakikita ang pangangailangan ng pagdedeklara ng revolutionary government dahil malinaw naman aniya na nanalo sa malinis na halalan ang Pangulo.
Paglilinaw nito, sinabi lamang ng Punong Ehekutibo ang posibildad na pagdedeklara ng revolutionary government, kung hindi titigil ang mga black propaganda ng kanyang mga kritiko para patalsikin siya sa puwesto.