Kinumpirma ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi napag-uusapan sa mga pulong sa Malakanyang ang posibilidad na gawing state witness si PDAF Scam Queen Janet Lim Napoles laban sa mga kasalukuyan at dating opisyal na nakinabang sa Pork Barrel Fund.
Ayon kay Abella, ang tanging natanggap lamang nilang pahayag mula sa Office of the Solicitor General ay walang matibay na ebidensiya kay Napoles sa naibasurang kaso nito sa korte.
Wala rin aniyang nababanggit si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil kay Napoles kaya hindi nila alam kung saan nanggaling ang patungkol sa state witness.
Si Napoles ay pinawalang sala ng Court of Appeals sa kasong serious illegal detention at binaligtad ang hatol ng Makati Regional Trial Court na habambuhay na pagkabilanggo.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping