Posibleng maraming magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa pagluluwag ng restriksyon sa Metro Manila.
Ayon kay DOH Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naniniwala ang kagawaran na mahihikayat pa ang publiko na magpaturok ng bakuna dahil batid nila na fully vaccinated lamang ang pinapayagan sa mga establisyimento.
Dagdag ni Vergeire, sa mga negosyong nagbukas, lalo na sa mga enclosed na lugar, pinapayagan lamang na makapasok rito ay mga naka kumpleto na ng bakuna.
Umaasa ang DOH na susundin pa rin ng publiko ang ipinatutupad na safety protocols ng mga establisyimento kahit na fully vaccinated na ang mga ito.