Tiniyak ng Deparment Of Health o DOH na may nakalatag nang contingency plan sakaling may mga guro o school personnel na nagpositibo sa COVID-19.
Ito ang inihayag ni Health Spokesman Usec. Ma. Rosario Vergeire kasabay ng paglagda ng DOH at Education Department para sa joint memorandum circular para sa limited face-to-face classes.
Nilinaw din ni Vergeire na hindi na rin kakailanganing magpa-COVID test ng mga guro at estudyanteng lalahok sa limited face-to-face classes .
Gayunman, sinabi ni Vergeire na kakailanganin lamang ang COVID-19 test sakaling makaranas o makitaan ng sintomas ang mga guro at estudyante.