Isang patunay ang sunod-sunod na paglindol sa Mindanao na walang makapagsasabi kung kailan magaganap ang mga pagyanig.
Ito ay ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Science Research Specialist Erlinton Olavere, matapos ang sunod-sunod na lindol sa ilang lugar sa Mindanao.
Aniya, hindi pa rin nila iniaalis ang posibilidad nang pagkakaroon ng mas malalakas pa na pagyanig.
May posibilidad po yan, hindi po nating sinasabi na wala na but we’re hoping na sana pahina na itong mga nagaganap na lindol but then again meron pa rin pong posibilidad na meron pang mas malakas,” ani Olavere.
Pinangangambahan pa rin hanggang sa ngayon nang posibilidad na umabot hanggang pasko ang mga aftershocks.
Normally kasi basta nagkaroon ng isang malakas na paggalaw, gaya po nito nagkaroon tayo ng 6.5 so, ibig sabihin magbibilang na naman tayo ng ilang araw, ilang linggo bago maging tahimik na naman yung nasabing lugar,” ani Olavere. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.