Ibinasura ni Public Health Expert Dr. Tony Leachon ang posibilidad na mag lockdown sakaling sumirit ang COVID-19 cases matapos ang eleksyon.
Ayon kay Leachon, mild lamang ang Omicron case na dapat ding kaagad gamutin.
Bukod dito sinabi sa DWIZ ni Leachon na hindi na papayag ang pribadong sector na mag lockdown pa lalo’t umarangkada na ang ekonomiya ng bansa.