Kumpirmadong malaki ang posibilidad na tamaan ng mas malalang uri ng Dengue ang sinumang tinurukan ng Dengvaxia na hindi pa nagkakaroon ng Dengue batay sa pinaka-bagong pag-aaral ng World Health Organization.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang Five-year follow up data ay patunay din ng pagbaba ng posibilidad na tamaan ng severe dengue at ma-ospital ang sinumang binakunahan.
Gayunman, lumabas din anya sa datos ng W.H.O. ang bisa ng Dengvaxia sa pagpapababa ng peligrong tamaan ng severe dengue at ma-ospital ang sinumang sumalang sa vaccination trial.
Una ng ini-anunsyo ni Duque na mag-ko-convene ang panel ng Dengue experts ng DOH sa susunod na linggo upang repasuhin ang pinaka-bagong ebidensya hinggil sa Dengvaxia na nakalap mula sa Five-year observation period sa clinical trials.