Inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga kinauukulang ahensya na pag-aralan ang posibilidad nang pagbubukas muli ng pampublikong transportasyon sa gitna nang patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinakilos ng IATF ang Department of Transportation (DOTr), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT) at Department of Health (DOH), gayundin ang Bureau of Quarantine para pag-aralan at magrekomenda ng protocols –base sa mga panuntunan hinggil sa social distancing, isolation at quarantine.
Sakop ng pag-aaral ang air, land at sea travel.
Una nang inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na tinututukan nila ang posibleng operasyon muli ng bus at tren bagamat hindi pa full operations.