Minaliit ni AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero ang posibilidad nang pagpapatupad ng Martial Law sa buong bansa.
Sinabi ni Guerrero na ispekulasyon lamang ang mga lumulutang na pagkakasa ng batas militar maging sa Luzon at Visayas at masyado aniyang malayo ito para pag usapan pa.
Nangangamba ang ilang sektor na mapalawig ang Martial Law hindi lamang sa Mindanao kundi maging sa buong bansa sa gitna na rin ng mahigpit na kampanya kontra New People’s Army na una nang tinaguriang terror organization ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman inihayag ni Guerrero na posibleng ma expand ang Martial Law kapag naging marahas na ang mga kalaban ng gobyerno.