Walang nakikitang anumang posibilidad si Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año na magkakaroon ng military junta.
Ito ang nilinaw ni Año sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas pipiliin nito ang military junta upang humalili sa kanya sa halip na si Vice President Leni Robredo.
Ayon sa DILG chief, kuntento naman ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa liderato ni Pangulong Duterte.
Kung tutuusin aniya ay ibinibigay ng punong ehekutibo ang lahat ng kailangan ng militar at pulisya gaya ng mataas na sahod, maayos na healthcare at equipment.
Sa kabila nito, hinimok ni Año si Pangulong Duterte na tapusin ang termino lalo’t marami pang trabaho ang dapat gawin.