Hindi isinasantabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang posibilidad ng pagpapalawig muli ng enhanced community quarantine (ECQ) matapos ang Abril 30.
Ayon kay Año, ito ay kung hindi pa rin bababa ang bilang ng mga naitatalang bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Año, nakadepende naman ang pagtaas o pagbaba sa bilang ng kaso sa disiplina at pagsunod ng publiko sa mga ipinatupad na panuntunan para sa ECQ.
Iginiit ng kalihim, kinakailangang maging bahagi na ng habit o mga nakagawian ng mga tao ang disiplina sa social distancting sa buong taon ng 2020 para hindi na lumawak pa ang pagkalat ng COVID-19.
Gayunman, binigyang diin ni Año na nakadepende pa rin sila sa magiging desisyon ng pangulo bagama’t kanyang tiniyak na nakahanda pa rin ang buong ahensiya.