Nagkakasa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng ilang paghahanda ngayong panahon ng tag-ulan para makaiwas o mabawasan ang insidente ng pagbaha.
Ayon kay MMDA general manager Frisco San Juan, puspusan pa rin ang ginagawa nilang paglilinis sa mga drainage canals na sinimulan pa noong tag-init.
Tinitignan na rin daw ng kanilang mga engineers ang ilan pang bagay para mapabilis pa ang paghupa ng baha.
Maliban dito, mapapakalat din ng mas maraming traffic enforcers para kastiguhin ang mga motoristang mabilis na nagpapatakbo ng kanilang sasakyan lalo na sa mga lugar na madulas at basa ang mga daan.