Asahan na ang maulang pasko dahil sa posibleng pagpasok ng La Niña phenomenon sa bansa simula sa Disyembre.
Ayon sa PAGASA, simula pa noong Setyembre ay nabubuo na ang La Niña sa pamamagitan ng bihirang paglamig ng ocean surface temperatures sa central at eastern equatorial pacific.
Posibleng magdala ng “Above normal rainfall” sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan o hanggang Marso ang nabanggit na weather phenomenon.
Mararanasan din ang bahagyang mainit air temperatures sa bawat oras kahit magdala ng malamig na hangin ang northeast monsoon o amihan sa ibang panig ng northern at eastern luzon.
Samantala, dalawa hanggang limang bagyo ang inaasahang mabubuo o papasok sa Philippine Area of Responsibility simula sa Disyembre hanggang Mayo ng susunod na taon.