Pinangangambahan ang pagtaas ng 65 porsyento ng posibilidad na maranasan ang El Niño sa bansa.
Ipinabatid ni Climate Monitoring and Prediction Section Officer in Charge Ana Liza Solis na posibleng mamuo ang El Niño weather pattern sa pagitan ng Setyembre hanggang Nobyembre.
Sa kasalukuyan aniya ay nakakaranas ang bansa ng isang neutral weather condition o wala alinman sa La Niña o El Niño ang nararanasan.
Gayunman, sa unang bahagi ng 2019 ay posibleng pumalo sa 78 porsyento ang posibilidad nang pamumuno ng El Niño.
Sinabi ni Solis na asahan na ang mas tuyot na kondisyon ng panahon sa ilang lugar ng bansa sa unang bahagi ng 2019.
—-