Tila tikom ang Malacañang sa posibilidad na magkaroon ng reenacted budget para sa 2025.
Ito’y sa gitna ng nakitang mga depekto sa ipinasang 2025 national budget ng Kongreso.
Ayon kay Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez, hindi nababanggit ang tungkol sa reenacted budget sa nakalipas na dalawang pulong ng Gabinete.
Ginagawa aniya ng Pangulo at ilang ahensya ng pamahalaan ang masusing pagbusisi sa enrolled bill ng pambansang budget sa susunod na taon na nagkakahalaga ng 6.352 trillion pesos.
Matatandaang ipinagpaliban ni Pangulong Marcos ang pagpirma sa 2025 national budget dahil nais aniya nito na hinaying mabuti ang general appropriations bill matapos makita ang ilang mga detalye na hindi kabilng sa original na budget request.
Samantala, una nang inihayag ni PBBM na pipirmahan niya ang nasabing pondo bago matapos ang taong kasalukuyan. - Sa panulat ni Jeraline Doinog