Ibinabala ng PHIVOLCS ang posibilidad ng volcanic tsunami oras umakyat na sa alert level 5 ang Bulkang Taal.
Ayon kay DOST Undersecretary at PHIVOLCS Director Renato Solidum, mangyayari ito oras na bumagsak sa lawa ng Taal ang mga ilalabas na deposito ng bulkan sakaling magiging mabilis at sunod-sunod na ang pagsabog nito.
Gayunman, sinabi ni Solidum na hindi ito inaasahang magiging kasing taas ng mga normal na tsunami na tulad ng nangyayari sa karagatan.
Dagdag ni Solidum, hindi na rin gaanong magiging mapaminsala ang volcanic tsunami kasunod na rin ng ipinatupad na mandatory evacuation sa mga residente sa paligid ng dalampasigan ng lawa ng Taal.
Yung deposito na yan hindi naman lahat yan makakatawid sa tubig kasi minsan may mahuhulog sa tubig, so kung ano yung mahuhulog sa tubig at kung significant yung volume na mahuhulog sa tubig madi-displace din niya yung tubig at pag-ganyan may wave na maitutulak papunta sa dalampasigan yun ang nagiging volcanic tsunami. Ang height ng tsunami ay hindi ganun kataas sa mga normal open cean or seas may mga case na one meter, two meter to three meters,” ani Solidum.