Binigyan ng pag-asa ng Malacañang ang publiko kaugnay sa posibilidad na pagbaba ng pamasahe sa jeepney.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kanilang titiyakin na magkakaroon ng pagbabago sa pamasahe sa jeep sa oras na bumaba rin ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Kasabay nito, ipinabatid ni Roque na kasalukuyang nagsisimula nang bumili ang Pilipinas ng murang diesel sa Russia.
Gayunman inamin ni Roque na walang sapat na imbakan ang bansa para sa aangkating diesel kaya’t hinikayat nito ang mga pribadong sektor ng enerhiya na magtayo ng mga depot at bigyang prayoridad ang energy security.
Sinabi rin ng opisyal na nakatakda ng ipamahagi ang 200 buwanang unconditional cash transfer program na inaasahang kahit papaano ay makakatulong umano sa pang araw-araw na pamumuhay ng mahihirap na Pilipino.
—-