Binalewala ng Malacañang ang babala ng Anakbayan na halos isang milyong estudyante ang posibleng maging drop out dahil sa implementasyon ng K to 12 Program sa susunod na taon.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na walang nakikitang mass drop out ang palasyo dahil sa naturang programa.
Iginiit ni Coloma na magiging beneficial ang K to 12 Program sa mga estudyante para maging globally competitive.
By Judith Larino