Posibleng nasa mahigit 2,000 na ang kaso ng delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Octa Research team expert Guido David, ibinase nila ang kanilang projection sa kakayahan ng genome sequencing ng bansa, kung saan 100 samples kada araw lamang sa 8,000 kaso ng COVID-19 ang natutukoy.
Ibig sabihin umano nito na mas mababa ito sa dalawang porsyento ng kabuuang bilang ng virus infection sa bansa.
Sa ngayon nasa 216 na ang delta cases sa bansa.—sa panulat ni Hya Ludivico